
Puspusan ang taping para sa upcoming GMA series na Whispers From Heaven para sa kaabang-abang na pag-ere nito early next year.
Ngayong Huwebes (July 9), may pasilip ang programa sa Senate hearing scene ng lead stars na sina Bea Alonzo at Maricar Reyes.
Sa Whispers From Heaven, makikilala si Bea bilang Celestine Reyes, Chief of Staff ni Buenavista City Mayor Ivana Alabanza-Perona, na gagampanan ni Maricar.
Sa interview ng GMANetwork.com kay Bea Alonzo sa naganap na story conference ng serye noong Pebrero, ipinarating ng aktres kung gaano siya kasaya para sa bagong proyekto na, aniya, talaga namang napapanahon.
"I am very happy and fortunate na magpo-produce ng ganitong klaseng materyal ang GMA," sabi ni Bea. "It took me a year before I could say yes to a project kasi napaisip ako, this is my 25th year in the industry. And I thought sa susunod kong proyekto na gagawin that it should be bigger than me. Dapat 'yung salvation na sa mga sumuporta sa akin, hindi na tungkol sa akin."
"I'm happy na ito yung project na 'yon, lalong-lalo na it's very timely because mag-e-eleksyon sa 2028, and magandang ipinapakita natin sa kanila kung ano 'yung epekto ng boto nila."
Makakasama nina Bea at Maricar sa serye sina Tom Rodriguez, Jason Abalos, Jake Macapagal, at Cassy Legaspi.
Ang Whispers From Heaven ay idinidirehe ng renowned director na si Zig Dulay kasama ang associate director na si Jorron Lee Monroy.
TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG WHISPERS FROM HEAVEN SA GALLERY NA ITO: