
Ini-reveal na ang bagong Kapuso at award-winning actress na si Bea Alonzo bilang bagong endorser ng digital TV receiver na GMA Affordabox.
Makakasama niya bilang kapwa endorsers ang mga bigating Kapuso stars na sina Dingdong Dantes at Heart Evangelista.
Hinihikayat ni Bea na huwag palampasin ng mga Kapuso ang Christmas promo ng GMA Affordabox.
Mula PhP888, magiging PhP799 na lang ang bawat unit--one-time purchase at walang monthly fees. Ang laking tipid!
Kaya naman perfect na ipangregalo sa darating na Pasko ang GMA Affordabox--malinaw na, affordable pa!
Ang GMA Affordabox ay ang digital TV receiver mula sa GMA Network.
Gamit ito, maaaring mapanood nang libre ang channels tulad ng GMA, GTV, I Heart Movies, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV, at iba pang free-to-air digital channels na available sa inyong area. May kasama pang exciting features tulad ng multi-media player at personal video recorder.
Available ang GMA Affordabox sa select locations sa Metro Manila, Benguet, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Ilocos Sur, Abra, Bohol, Cebu, Leyte, Bacolod (and adjacent areas), Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte, Misamis Oriental (including Cagayan de Oro City), Camiguin, Iloilo at Guimaras.
Mabibili ang GMA Affordabox sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa official GMA Store at sa Shopee at Lazada.
Para sa iba pang impormasyon, bumisita sa www.GMAaffordabox.com at i-follow ang official social media accounts na @GMAaffordabox sa Facebook, Instagram at Twitter.
Para sa mga katanungan tungkol sa GMA Affordabox, tumawag lang sa numerong (02) 8857-4627 o 0961-252-9393 between 8:00 a.m. at 10:00 p.m., o mag-email sa support@GMAaffordabox.com.