GMA Logo bea alonzo
Photo by: Screenshot from 24 Oras
What's Hot

Bea Alonzo, balik-taping para sa pagbibidahang serye na 'Whispers From Heaven'

By Aimee Anoc
Published May 28, 2026 2:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang kalsada sa Metro Manila, binaha matapos ang malakas na pag-ulan
Quezon City announced as Palarong Pambansa 2027 host
2 PH airlines land in most on-time list in Southeast Asia

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo


Panoorin ang pasilip sa ilang behind-the-scenes video ni Bea Alonzo mula sa set ng 'Whispers From Heaven' dito.

Balik-taping na si Bea Alonzo para sa upcoming political thriller series ng GMA na Whispers From Heaven.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, ipinakita ang ilang pasilip na video kay Bea na kuha sa set nito lamang Lunes, May 25, sa Antipolo.

May pasilip din sa eksena kung saan seryoso ang pag-uusap nila ng kapwa lead star na si Tom Rodriguez.

Sa isa pang video, makikitang kausap nina Bea at Tom ang direktor ng show na si Zig Dulay.

Panoorin ang buong ulat dito:

Ito ang unang pagkakataon na muling nasilayan si Bea matapos maging usap-usapan ang umano'y planong pagpapakasal niya sa business tycoon na si Vincent Co.

Matatandaan na noong Marso, naging laman ng balita ang paglabas ng kanilang wedding banns sa St. Peter the Apostle Parish sa Paco, Manila.

Nagkaroon din ng bali-balitang gaganapin ang kanilang kasal sa Spain ngayong May, pero nagkaroon umano ng mga problema at delay.

Sa gitna ng kontrobersiyang ito, nakita ang pamilya at ilang kaibigan ni Bea sa Spain, habang si Vincent naman ay spotted kamakailan sa event ng kanilang family-owned business sa Pasay City.

Related gallery: Bea Alonzo at Maricar Reyes, magsasama sa political thriller series na Whispers From Heaven