Showbiz News

Bea Alonzo, biktima ng pagnanakaw sa Portugal

By Aedrianne Acar

Hindi maitago ang pagkadismaya ng aktres na si Bea Alonzo matapos mabiktima ng pagnanakaw habang nagba-bakasyon sa Europe.

Makikita sa Instagram page ng Kapamilya talent na bumisita siya sa Lisbon, Portugal.

Isang netizen ang nagkomento sa naturang post at pinaalalahanan siyang mag-ingat dahil marami raw magnanakaw sa naturang lugar.


Agad na nag-react si Bea at kinumpirma nagging biktima siya ng mga magnanakaw sa Lisbon.

Tags:
bea alonzo