GMA Logo Bea Alonzo, John Lloyd Cruz at felipe gozon birthday
Celebrity Life

Bea Alonzo bonds with John Lloyd Cruz, his GF Isabel Santos at FLG's 84th birthday party

By Jansen Ramos
Published December 12, 2023 2:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo, John Lloyd Cruz at felipe gozon birthday


Nagkita ang dating onscreen partners na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa katatapos lang na 84th birthday celebration ng GMA Chairman and CEO na si Atty. Felipe L. Gozon.

Muling nakasama ni Bea Alonzo ang kanyang matalik na kaibigan at dating longtime onscreen partner na si John Lloyd Cruz sa 84th birthday celebration ng GMA Chairman and CEO na si Atty. Felipe L. Gozon noong Sabado, December 9, sa Isla Ballroom ng Edsa Shangri-La Hotel sa Mandaluyong.

Sa Instagram, ipinost ni Bea ang ilan niyang larawan sa nasabing event, kabilang ang larawan niya kasama ang Kapuso top executive. Mala-Barbie ang aktres sa kanyang suot na Veronica mini dress na mayroong bow details mula sa holiday collection ng Australian luxury apparel brand na Rebecca Vallance.

Makikita rin dito ang larawan nila ni John Lloyd at non-showbiz girlfriend nitong si Isabel Santos, isang visual artist, na kasamang dumalo ng aktor sa birthday party.

Muli ring nagkita sina Bea at Heart Evangelista na dati niyang kasama sa dati nilang talent management na Star Magic.

Sa caption, nagpasalamat si Bea sa anak ni FLG na si GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes sa pag-imbita sa kanya sa kaarawan ng ama nito kung saan din inanunsyo ng GMA head ang kanyang retirement bilang Chief Executive Officer.

Si GMA President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr. ang hahalili kay FLG bilang CEO ng leading multimedia conglomerate sa bansa. Samantala, mananatili pa ring Chairman of the Board at adviser ng korporasyon ang nakatatandang Gozon.

Ika ni Bea, "At the bday party of Mr.Gozon. Ang saya! Great party, @annettegozonvaldes (Wala pala tayong pics that night)

"I love the family feud part! Perfect game idea this Christmas!"

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Mahigit isang dekadang nagtambal sina Bea at John Lloyd sa telebisyon at pelikula.

Isa lamang sa pinagsamahan nilang proyekto ang 2007 blockbuster Filipino drama-romance film na One More Chance kung saan sila lubos na sumikat bilang love team at nakilala bilang Basha at Popoy.

Nagkaroon ito ng sequel noong 2015 na pinamagatang A Second Chance.

Sa April 2024, magsasagawa ang Philippine Educational Theater Association ng stage adaptation ng One More Chance kung tampok ang mga kanta ng bandang Ben&Ben.