
Hindi maitatago ang saya ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa pagsasama nila ni Carla Abellana sa upcoming murder-mystery drama series na Widows' War.
Sa interview ni Bea sa Unang Hirit, sinabi niya na ito ang unang beses na magkatrabaho sila ni Carla, at ikinuwento kung papaano sila nag-manifest na magkasama sa isang proyekto someday.
“Minanifest namin 'to kasi nu'ng nag-guest siya sa vlog ko, talagang kaming dalawa, 'Kailan kaya tayo magkakatrabaho?' and finally it's happening,” sabi niya.
Pagpapatuloy niya, “We're happy na ganitong klaseng istorya 'yung pagsasamahan namin. Kumbaga, hindi 'yung normal naming ginagawa na drama or love story.”
BALIKAN ANG BRIDES IN BLACK PHOTO SHOOT NINA BEA AT CARLA SA GALLERY NA ITO:
Tungkol naman sa co-stars nila, sinabi ni Bea namas nagiging close sila habang tumatagal ang taping.
“Siguro nga kasi may mga lock ins (taping) kami, marami kaming locations na talagang malalayo. I guess dahil malayo kami tapos sometimes may lock in, mas nagkakaroon ng chance to bond,” sabi niya.
Ayon pa sa aktres, magkakaroon ng crossover ang serye sa mga naunang murder-mystery series na Widows' Web at Royal Blood.
Isa pang nakapagpa-excite umano kay Bea ay dahil ito ang first time niya sa ganitong genre na murder, mystery, at thriller. Nagbigay rin ng konting teaser ang aktres kung magiging tungkol saan ang kanilang serye.
“Tungkol ito sa isang prominenteng pamilya na may business, at kaming dalawa ni Carla Abellana, used to be best friends, papasok kami sa pamilyang ito dahil mapapangasawa namin 'yung magpinsan played by Benjamin Alves and Rafael Rosell,” sabi niya.
Pagpapatuloy niya, “Siyempre, dahil murder-mystery drama, may mamamatay at sino ang killer.”
Nang tanungin naman siya kung anong klaseng Bea ang maaasahan ng manonood, ang sagot niya, “Isa 'to sa mga characters na gagawin ko sa telebisyon na may twist.
“Yung character, hindi siya mabait, hindi rin naman siya salbahe, it's a grey character,” paglalarawan niya.
Panoorin ang buong interview ni Bea dito: