GMA Logo Bea Alonzo
Courtesy: beaalonzo (IG)
Celebrity Life

Bea Alonzo, close ba sa kaniyang stepdad?

By EJ Chua
Published July 9, 2022 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wish for courage, calmness amid corruption issues — Cardinal David
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Bea Alonzo, may inamin tungkol sa pakikisama niya sa kaniyang stepfather na si Amado “Dondon” Carlos.

Isa sa naging usap-usapan tungkol sa buhay ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ay kung paano niya pinakikisamahan ang kaniyang stepfather na si Amado “Dondon” Carlos.

Isa ang bagay na ito sa sinagot ni Bea sa kaniyang latest vlog.

Nang banggitin ng kaniyang staff ang ilang katanungan ng netizens tungkol sa kaniyang personal na buhay, chill na chill na sumagot ang aktres.

Kabilang dito ay ang tanong na, “Is it true na hindi ka close sa stepdad mo?”

Sagot ng Start-Up Ph star, “No, akala kasi nila dahil Dondon 'yung tawag ko kay Dondon akala nila hindi kami close. But actually, kasi noong nag-uumpisa sila ni mama mag-date, ang totoo, ayoko sa kaniya. Hindi naman sa kaniya, ayoko na mag-boyfriend si mama. So, dati hindi ko siya pinapansin. I didn't want him to call him 'Tito' or 'Dad.' Sa totoo lang, it turned out na he is one of the biggest blessings na napunta sa pamilya namin. He is like the glue keeping us all together.

“Pero hindi ko na siya natawag na 'Tito' or 'Dad' kasi parang ang awkward na kasi ang tagal ko na siyang tinatawag na Dondon but the respect is there, and of course, the love is there, absolutely,” dagdag pa ni Bea.

Bukod sa sagot ng tinaguriang This Generation's Movie Queen, makikita rin sa ilang Instagram posts niya na maayos ang relasyon niya sa kaniyang stepfather.

Sa katunayan, nito lamang nakaraang Father's Day, June 19, ipinaabot ni Bea ang kaniyang sweet message para sa kaniyang stepdad na si Amado at kaniyang kapatid na si James.

Panoorin dito ang latest vlog ni Bea:

Samantala, tingnan ang sexiest photos ng tinaguriang This Generation's Movie Queen sa gallery na ito: