GMA Logo Bea Alonzo
Courtesy: beaalonzo (IG)
What's on TV

Bea Alonzo, excited nang magtrabaho para sa 'Start-Up Philippines'

By EJ Chua
Published March 28, 2022 4:35 PM PHT
Updated August 29, 2022 9:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Bea Alonzo, handa na para sa pinakaunang teleseryeng pagbibidahan niya sa GMA.

Ilang buwan matapos opisyal na inanunsyo na siya ay isa nang Kapuso, tila handang-handa na si Bea Alonzo para sa pinakaunang seryeng pagbibidahan niya sa GMA-7.

Sa naging panayam ng GMANetwork.com kay Bea, ibinahagi niyang excited na siyang magtrabaho at makasama ang ilang Kapuso stars at pati na rin ang buong production team ng Start-Up Philippines.

Kuwento ng aktres, “Sa ngayon I have a lot of dreams to achieve pa rin. Ngayon nagsisimula pa lang ako sa GMA I'm just about to do my teleserye with them and I am very very much excited. Nagsisimula pa lang tayo malayo pa 'yung lalakbayin natin.”

“Siyempre dahil first time ko sa GMA, excited akong makilala 'yung mga bagong tao na ma e-encounter ko sa GMA. I'm also looking forward to working with Alden (Alden Richards). I'm looking forward to meeting new faces and doing scenes with these people, talented writers and directors,” dagdag pa ni Bea.

Noong July 1, 2021 ay pumirma si Bea ng kanyang kontrata sa GMA Network sa Edsa Shangri-La, Manila sa Mandaluyong City.

Kasunod nito ay ang official announcement na isa nang ganap na Kapuso ang award-winning actress na si Bea Alonzo.

Noong Sabado (March 26), ginanap na ang first story conference at table reading ng Start-Up Philippines nina Bea, Alden Richards, Jeric Gonzales, at Yasmien Kurdi.

Samantala, tingnan ang sexiest photos ni Bea Alonzo sa gallery na ito: