
Self-care ang pinakamandang uri ng pagmamahal ngayon para kay Bea Alonzo na gusto munang mag-focus sa sarili at sa kaniyang business.
Sa panayam ni Nelson Canlas kay Bea para sa 24 Oras Weekend nitong November 8, ibinahagi ng aktres na pagdating sa pag-ibig, importante pa rin ang magandang connection ng mag-partner. Ngunit sa ngayon, ayaw munang pag-usapan ng aktres ang tungkol sa kaniyang love life.
“I've always been running after something, maybe my dream. I always forget to keep the balance, to have that time for myself, and I didn't know how important it was until I decided to really just live my life in my own terms,” sabi ng aktres.
Sa ngayon ay mas gusto ni Bea na pagtuunan ng pansin ang kaniyang negosyo na BASH, isang travel luggage and accessory brand na sinimulan ng aktres noong 2023.
TINGNAN ANG ILANG INSPIRING, NEUTRAL OUTFITS NI BEA SA GALLERY NA ITO:
Samantala, ilang beses na rin nakita si Bea sa publiko kasama ang kaniyang boyfriend, ang businessman na si Vincent Co. Kamakailan lang ay nakitang magkasama ang dalawa sa company event ng huli.
May ilang mga pagkakataon din na nakitang magkasama sina Bea at Vincent, kabilang na ang isang litrato kung saan makikitang kasama nila sina Heart Evangelista at asawa nitong si Senator Chiz Escudero. Para sa fans, “hard launch” na ito ng kanilang relasyon.
Noong Agosto, matapos ang ilang buwan na pananahimik, ay kinumpirma ni Bea ang relasyon nila ni Vincent, at sinabing sila ay nasa isang masayang relasyon. Ngunit sabi rin ng aktres ay gusto niyang panatilihing pribado ang kanilang buhay.
“Yes he is (my boyfriend). But I like to keep things private. Wala naman ako tinatago,” saad ni Bea.
Nagsimula ang mga haka-haka ng fans sa rumored relationship nina Bea at Vincent nang mag-like at mag-comment ang aktres sa Instagram post ng retail heir kung saan makikita siya kasama ang isang babae sa Spain.
Panoorin ang panayam kay Bea dito: