
Isang natatanging pagganap ang dapat abangan mula kay Bea Alonzo sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "The Healer Wife," bibida dito si Bea bilang Fe, babaeng nakakapagpagaling ng maysakit sa pamamagitan lamang ng dasal.
Masusubukan ang pananampalataya ni Fe nang magkasakit ang asawa at anak niya. Hindi kasi niya mapagaling ang kanyang mag-ama kahit ano pang dasal na gawin niya.
Tuluyan na nga bang mawawala ang pananalig ni Fe sa Diyos?
Makakasama ni Bea sa star-studded episode na ito sina Tom Rodriguez, Euwenn Aleta, at Max Eigenmann, habang si Zig Dulay naman ang nagsilbing direktor nito.
Abangan ang brand-new episode na "The Healer Wife," April 12, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.