
Matapos ibahagi ni Bea Alonzo ang kanyang sikreto sa pagiging blooming sa kabila ng kanyang busy lifestyle, ibinida niya naman kung ano at sino ang kanyang inspirasyon sa buhay.
Sa naging panayam ng GMANetwork.com kay Bea, ibinahagi niya ang dahilan kung bakit siya masaya at kuntento sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay.
Ayon sa award-winning actress, “Kuntento ako kasi, di ba, magiging masaya ka kapag may contentment sa puso mo. I am grateful sa lahat ng mayroon ako ngayon. I have a beautiful family. I have a very good and handsome boyfriend. Mayroon din akong career na still I think I'm very happy about.
"I'm still getting projects that I like. Right now, parang nabibigyan din ako ng liberty to do projects that I've never done before. I'm very very excited so, parang as if I'm also spreading my wings ngayon.”
Kapansin-pansin na masayang-masaya si Bea sa bagong mundong kanyang ginagalawan at labis ang kanyang pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya anuman ang maging desisyon niya sa buhay.
Makikita sa ilang Instagram post ni Bea ang kanilang family photos pati na rin ang vacation photos nila ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque.
Una nang ibinahagi ng aktres na excited na siyang magtrabaho at makasama ang ilang Kapuso stars at pati na rin ang buong production team ng Start-Up Philippines.
Ilang netizens at fans ni Bea ang tila hindi na makapaghintay sa natatanging pagganap ng aktres sa Philippine adaptation ng naturang Korean drama series.
Samantala, tingnan ang most-viewed vlogs ni Bea Alonzo sa gallery na ito: