GMA Logo Bea Alonzo and Dominic Roque
Courtesy: beaalonzo (IG)
What's Hot

Bea Alonzo, handa nga ba kung sakaling biglang mag-propose si Dominic Roque?

By EJ Chua
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated April 8, 2022 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo and Dominic Roque


Ano kaya ang magiging sagot ni Bea Alonzo kung aalukin na siya ng kasal ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque?

Ngayong sunud-sunod na ang pagdating ng mga proyekto ni Bea Alonzo matapos maging isang ganap na Kapuso, ilang fans at followers ng award-winning actress ang tila excited na rin para sa kanyang future.

Sa isang presscon, masayang sinagot ni Bea ang ilang mga katanungan tungkol sa kanyang love life.

Isa na rito ay kung ano ang posibleng maging sagot ni Bea kung sakaling bigla siyang alukin ng kasal ng kanyang celebrity boyfriend na si Dominic Roque.

Sagot ng aktres, “Hindi naman ako nandito sa relasyon para lang maglaro 'di ba? Siyempre at my age, I want that also. Sa totoo lang ang tagal din naming nag-date bago maging official na kami… Ang tagal ko rin in-announce 'di ba? Kasi, I want it to be sure… I know that he is also very sure about me… Pero sa bagay na 'yun, I can't speak for him. Alam naman niya na marami rin akong gagawin. Alam naman niya 'yung priorities ko sa ngayon. Pero kung sakaling mag-propose siya, siyempre o-oo ako.”

“Siyempre nasa edad na rin kami. Parang here and there, napag-uusapan. Pero, wala pa 'yung parang sit down na planning, wala pa naman kami roon,” dagdag pa ni Bea.

Noong August 29, 2021 kinumpirma ni Bea Alonzo sa isang segment sa 24 Oras ang real status nila ni Dominic.

Kasalukuyang abala si Bea sa taping para sa pinakaunang seryeng pagbibidahan niya sa GMA-7.

Una nang ibinahagi ni Bea sa GMANetwork.com na excited siyang makasama ang ilang Kapuso stars at pati na rin ang buong production team ng Start-Up Philippines.

Samantala, tingnan ang vacation photos nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa U.S. sa gallery na ito: