GMA Logo Bea Alonzo
What's on TV

Bea Alonzo, ibinigay ang premyo sa choices sa 'Bawal Judgmental' sa 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published October 9, 2022 5:48 PM PHT
Updated October 10, 2022 10:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cases vs. Sarah Discaya, others transferred to Lapu-Lapu City
PNP probing PH visit of Bondi Beach shooters
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Pinaghatian ng apat na choices sa "Bawal Judgmental" ang PhP50,000 na premyo ni Bea Alonzo.

Muling bumisita nitong Sabado, October 8, sa longest-running noontime show na Eat Bulaga ang Start-Up Ph actress na si Bea Alonzo upang sumalang sa segment na "Bawal Judgmental."

Sa episode kahapon ng nasabing segment, apat na ulila na ng magulang ang mga choices na nakaharap ni Bea. Dito ay isa-isang napakinggan ng aktres ang mga nakakaantig na kuwento ng mga ito.

Sa first round, kinailangan mahulaan ni Bea kung sino sa apat na choices ang ulilang lubos sa edad na 14 years old o mas bata pa.

Tama naman ang naging hula ni Bea kung kaya't hindi nabawasan ang kanyang guaranteed money na PhP50,000. Aminado naman ang aktres na naantig siya sa mga narinig niyang kuwento mula sa apat na choices.

Aniya, "Maraming-maraming salamat dahil pinag-guest niyo ako dito at narinig ko 'yung mga istorya nila at grabe ang bigat pero I have to say very inspiring din kasi sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan niyo, napaka-tapang at napaka-strong niyo na mga tao at kitang-kita ko pa rin sa mga mata niyo 'yung kindness kahit ang dami nang challenges sa buhay niyo."

Imbis na iuwi ang nasabing premyo, minabuti ni Bea na ibigay na lamang sa choices ang napanalunang premyo na PhP50,000 bilang tulong na niya sa mga ito.

"Dahil diyan gusto ko ring i-share 'to sa inyo, para sa inyo 'to hindi ito para sa akin," ani Bea.

Panoorin ang madamdaming episode ng "Bawal Judgmental" kasama si Bea sa video na ito:

Mapapanood si Bea sa kanyang first-Kapuso series na Start-Up Ph gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Maria Clara at Ibarra.

Tumutok naman sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

SILIPIN ANG SEXIEST LOOKS NI BEA ALONZO SA GALLERY NA ITO: