GMA Logo bea alonzo and alden richards
What's on TV

Bea Alonzo inamin ang naging tampuhan nila ni Alden Richards

By Jimboy Napoles
Published July 13, 2023 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rains over parts of PH
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo and alden richards


Inamin ni Bea Alonzo sa Fast Talk with Boy Abunda na nagkaroon sila ng misunderstanding ni Alden Richards.

Nilinaw ng Kapuso actress at Battle of the Judges judge na si Bea Alonzo ang tunay na nangyari sa tampuhan isyu nila ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Sa muling pagbisita ni Bea sa Fast Talk with Boy Abunda, isa sa naging tanong sa kaniya ng batikang TV host na si Boy Abunda ay, “Truth or Lie, nag-away kayo ni Alden?”

Agad naman itong sinagot ni Bea, “Truth…”

Paglilinaw ng aktres, “But actually lie, kasi hindi kami nag-away. Nagkaroon kami ng sama ng loob [sa isa't-isa] but hindi kami nag-away.”

“At naayos?” sundot na tanong ni Boy kay Bea.

Sagot niya, “Yes.”

Matapos ang “Fast Talk” segment, muling binuksan ni Boy ang usapin tungkol sa isyu nina Bea at Alden.

“Naayos 'yung problema n'yo ni Alden. This has not been talked about, but was it a professional problem?” pag-uusisa ni Boy.

Tugon naman ni Bea, “It kind of was. I guess it's also because we have different backgrounds.”

“Backgrounds in terms of being an artist?” muling tanong ni Boy.

“I guess so,” anang aktres.

Aminado naman si Bea na totoong nagkaroon sila ng misunderstanding ni Alden pero agad naman nila itong naayos.

“Also, I think nagkaroon lang ng mga misunderstanding while on set. But we were able to talk about it,” ani Bea.

Kuwento pa ng aktres, “I remember we were on the plane going to Davao while we were promoting 'Start-Up Ph,' pinag-usapan namin like mature people, we were able to sort things out.”

Matatandaan na pumutok ang isyu ng naging away umano nina Bea at Alden matapos ang kanilang pinagsamahang serye na Start-Up Ph.

Mas lalo pang umugong ang isyu nito lamang Mayo nang mag-beg off si Bea sa dapat sana ay pagsasamahan nilang pelikula ni Alden. Ito ay ang Filipino adaptation ng Korean film na A Moment To Remember.

Pero nilinaw naman ni Bea na “conflict of schedule” ang dahilan ng kaniyang pag-alis sa proyekto.

Kamakailan ay inanunsiyo naman na ang Viva actress na si Julia Barretto ang hahalili kay Bea bilang bagong leading lady ni Alden sa nasabing movie project.

Samantala, muli namang mapapanood sina Boy, Bea, at Alden sa nalalapit na pagsisimula ng reality talent search na Battle of the Judges.

Si Boy at Bea ang magsisilbing judges sa nasabing programa kasama si GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes at comedian-actor na si Jose Manalo, habang mapapanood naman dito bilang host si Alden.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.