GMA Logo bea alonzo
What's on TV

Bea Alonzo, inaming kontesera noon

By Jansen Ramos
Published August 4, 2023 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Clippers post biggest winning margin of season vs. Kings
Dingdong Dantes looks back on 11 years of marriage to Marian Rivera
#PlayItBack: The GMA Playlist Year-ender Special

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo


Labingtatlong taong gulang si Bea Alonzo nang madiskubre siya sa sinalihan niyang beauty contest sa Pasig noong 2001.

Masayang-masaya si Bea Alonzo sa mataas na ratings na nakukuha ng current show niyang Battle of the Judges, kung saan isa siya sa mga judge.

Noong nakaraang Sabado, July 30, nakakuha ito ng 11.9 percent rating, na pinakamataas na rating na nakuha ng reality show simula nang umere ito noong July 15.

"I'm very happy kasi ang taas ng ratings so ang dami nanonood," ani Bea sa panayam ng entertainment reporters sa ginanap na product launch event ng Oppo Reno10 5G series sa Pandanggo Ballroom ng Manila Hotel kagabi, August 3.

Proud pang sinabi ni Bea na tutok siya sa kanyang squad na mine-mentor niya sa Battle of the Judges.

"I am very much involved sa mga acts and sa mga numbers ng mga contestants ko within my group, sa Bea's squad. So this is the first time that I'm mentoring, it's a different experience.

"This is the first time that I'm judging so I really take it seriously so I'm happy I did it because I got to discover about myself, I discovered so much about my contestants."

Ayon kay Bea, nakaka-relate siya sa mga mine-mentor niyang contestants dahil pinagdaanan niya rin ang mga naranasan ng mga ito bilang kontesera.

Labingtatlong taong gulang si Bea nang madiskubre siya ng fashion designer na si Oscar Peralta at dating manager niyang si Archie Ilagan sa sinalihan niyang beauty contest sa Pasig noong 2001.

"Isa kong kontesera before I became an artist so I know how it feels to be a contestant. I tried beauty contests before, that's how I was discovered so alam ko 'yung hirap, alam ko 'yung pakiramdam ng talunan. Siyempre, not all the time you will win, right?

"Alam ko 'yung pakiramdam na kailangan mong i-dedicate 'yung oras at energy at panahon mo para sa ibang bagay you truly love so habang ginagawa ko 'tong Battle of the Judges, nare-remind ako of the past, of my roots, where I came from, and why I'm doing this so malamang akala nila natutulungan ko sila, 'di nila alam natutulungan din nila ako."