
Nang matapos ang kaniyang seryeng Widows' War noong January 2025, tila nag lie low muna ang Kapuso star na si Bea Alonzo sa paggawa ng TV at movie projects. Ayon sa aktres, nag-focus muna siya sa kaniyang business at personal na buhay.
“Right now I'm focused on my business and my personal life. Pero 'pag dumating ang tamang proyekto, alam mo naman ang mga artista may 'itch' yan eh. 'Pag nakita ko yung tamang proyekto kahit kalmado ako ngayon I will get out of my shell to do something,” paliwanag ni Bea sa miyembro ng press na dumalo sa launch niya bilang ambassador ng Nustar Online kamakailan.
Ngayong taon din siya napabalita na nakahanap ng bagong karelasyon. At noong August 2025 ay inamin ni Bea na boyfriend niya ang businessman na si Vincent Co.
Kamakailan lamang ang na-chismis na siya ay buntis na itinanggi naman ng aktres. Ang tanong ng press, may nagbago ba sa kaniyang lifestyle simula nang magkaroon ng bagong karelasyon?
“Parang same pa rin naman ako and hindi naman nagde-depend 'yung lifestyle ko sa partner. Ako kasi pinaghirapan ko ang buhay na meron ako ngayon, monetary and mentally. So parang for me to find somebody, to enter in your life, you have to complement each other. Lifestyle-wise ganun pa rin parang mas kalma,” saad niya.
Nang tanungin kung paano niya ilalarawan ang 2025 niya, ito ang sagot ni Bea: “Self discovery, kindness to myself, and letting myself find the right things.”
Kasama ni Bea si Andrea Brillantes bilang ambassador ng nasabing online gaming website. Ipinakilala sila sa isang event noong Biyernes, November 7.
RELATED GALLERY: BEA ALONZO LAUNCHES NEW LUGGAGE COLLECTION