
Puno ng rebelasyon ang bagong episode ng TV special na My Mother, My Story, dahil tampok ang untold story ng Kapuso aktres na si Bea Alonzo tungkol sa kanyang ina na si Mary Anne Ranollo.
Sa kanyang kuwentuhan kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, ibinahagi ni Bea ang kahalagahan ng kanyang ina sa kanyang buhay. Ibinunyag din ni Bea na sila ay parang matalik na magkaibigan dahil sa kanilang close age gap.
"She got pregnant when she was 19 and she had me when she was 20. So we're also good friends. Growing up parang wala masyadong generation gap," pahayag ni Bea.
Dagdag din ni Bea na nais niya rin maging isang cool mom katulad ng kanyang ina. Kaya naman nag-aalala siya na baka hindi niya makamit ang kanyang pangarap dahil hanggang ngayon wala pa raw siyang pamilya.
"That's what I'm afraid of since I'm 36 and 'di pa ako nagkakaanak so iniisip ko, 'Sana maging kasing cool ako ni mama.' If I have kids sana kasing cool ako na mom kagaya ng mama ko," sabi niya.
Pagdating sa pagdidisiplina ng mga anak, nais din daw ni Bea tularan ang kanyang ina na si Mary Anne kahit strikto ito noon sa kanila.
"Just like my mother, I would say. To be honest, she was very strict when we were growing up and of course, back then I didn't understand why," paliwanag niya.
Masayang sinagot din ni Bea ang tanong ng programa na "Sino ka nang dahil sa iyong ina?" Ipinagmalaki niya na siya ay isang matapat at matapang na babae dahil sa kabutihan at katapangan na ipinakita ng kanyang ina sa paglaban sa buhay.
"I turned out to be a strong woman because of my mom. She taught me to stand for myself and stand for the truth, always."
Samantala, maaring balikan ang mga iba pang madamdaming episode ng My Mother, My Story, sa GMA Network website at social media pages.