GMA Logo bea alonzo
Source: beaalonzo (IG)
What's on TV

Bea Alonzo, naniniwalang kumukupas ang pag-ibig

By Marah Ruiz
Published October 12, 2023 4:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo


Ang pagkupas ng pag-ibig ang susi sa pagmo-move on, ayon kay Bea Alonzo.

Tila sumalang sa hot seat si Bea Alonzo nang hingin ang kanyang opinyon sa ilang mga mabibigat na tanong tungkol sa pag-ibig.

Tulad na ng kanyang karakter sa primetime romance drama series na Love Before Sunrise, tinanong ng GMANetwork.com ang multi-awarded actress and box office icon kung posible bang makalimutan ang isang tao na lubos mong minahal dati.

Para sa kanya, lagi raw manantili ang good memories kahit natapos na ang isang relasyon

"Ang hirap naman nitong sagutin. I'm really trying to reflect. Siguro hindi mo nakakalimutan 'yung memories, hindi mo nakakalimutan 'yung the way that person made you feel at that specific moment or chapter in your life," sagot niya matapos mag-isip nang saglit.

Gayunman, naniniwala raw siya na kumukupas o humuhupa ang lahat ng emosyon, kabilang ang pagmamahal at galit, at ito ang susi sa pagmo-move on.

"But naniniwala ako that the love fades and even anger fades, all emotions fade. And so yes, it's very possible to move on. I mean, wala namang permanente sa buhay. Even the person you currently love, sometimes nafo-fall out of love ka. So, I think love is always a choice. You choose to love the person every single day," paliwanag ni Bea.

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Source: beaalonzo (IG)

Silipin ang sagot ng iba pang cast members ng Love Before Sunrise sa ilan pang "Difficult Questions About Love" dito:

Gumaganap si Bea sa Love Before Sunrise bilang Stella, isang family-oriented nursing aide na ngangnarap magtrabaho sa Canada.

Ang pangarap niyang ito ang isa sa mga rason sa paghihiwalay nila ng boyfriend na si Atom, karakter ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Sa muli nilang pagkikita matapos ang maraming taon, babalikan nila ang mga "what if" ng naudlot nilang relasyon.

Ang Love Before Sunrise ay collaboration sa pagitan ng GMA Entertainment Group at Viu, ang leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service.

Tunghayan ang Love Before Sunrise, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies. May same-day replay rin ito sa GTV, 10:50 p.m. Stream on Viu anytime, anywhere.