
Exciting ang Sabado ng umaga sa Sarap, 'Di Ba? dahil makakasama nina Carmina Villarroel-Legaspi at Mavy Legaspi si Bea Alonzo.
Ngayong March 19, bibisita si Bea sa Sarap, 'Di Ba? para sa isang masayang Saturday morning bonding.
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Dalawang Bea Wannabees ang makakasama rin sa Sabado. Sila ay sina Pepita Smith as Gay-a Alonzo at Petite as Bilbea Alonzo, na haharap sa masayang games at challenges na siguradong dapat abangan ng mga manonood.
May baon pang masarap na recipe si Bea, ito ay ang Pork Binagoongan with a twist.
Tutok na sa Sarap, 'Di Ba? ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.
Samantala, tingnan ang mga larawan ni Bea mula sa kanyang El Nido trip dito: