
Matapos ang break up ng engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, unti-unti nang nakaka-move on ang dalawa mula sa sakit ng kanilang hiwalayan.
Sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, Hulyo 12, sinabi ni Bea na okay siya at masaya, lalo na sa naging reaksyon ng mga manonood sa kaniyang serye.
Aniya, “I'm just enjoying my life, I guess I'm embracing the uncertainty e, kasi na-realize ko, minsan marami tayong plano sa buhay natin pero God's plans are always better. And so I'm just here to embrace the uncertainty, kung ano 'yung nakalaan para sa akin.”
Nang tanungin naman siya kung nakapagpatawad na ba siya sa kaniyang sarili, sa kaniyang ex fiance, sa mga tao, at sa circumstances, sinabi ni Bea na “Yes, I've forgiven myself.”
At patungkol naman sa ibang nabanggit ni Boy Abunda, “I think so because I don't think I'll be sitting here right now and talking about these things if I'm not okay and I have not forgiven kasi siyempre mabigat din sa loob mo 'yun.”
BALIKAN ANG NAGING PAHAYAG NI BEA TUNGKOL SA BREAK UP NILA NI DOMINIC SA GALLERY NA ITO:
Nguit paglilinaw ni Bea, hindi siya perpekto, at marami pa rin ang nakakasakit at nakakapagpasama ng kaniyang loob “especially if may mga bagay na nasasabi tungkol sa'yo na hindi totoo.”
Alam naman umano ng aktres na parte iyon ng kaniyang pagiging celebrity at public figure. At dahil matagal na niya itong ginagawa ay natutunan na niyang tanggapin ang mga ganito.
“But siyempre, tao ka lang, nasasaktan ka pa rin and sometimes, it hurts that people forget that you're also human and it may seem like entertainment for them but for you, it's your real life,” sabi niya.
Panoorin ang parte ng interview ni Bea dito: