What's on TV

Bea Alonzo, masaya sa pagbabalik niya sa drama sa 'Love Before Sunrise'

By Marah Ruiz
Published August 18, 2023 2:52 PM PHT
Updated September 19, 2023 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Tepid early turnout in Myanmar election as junta touts stability
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Masaya si Bea Alonzo na magbabalik siya sa larangan ng drama sa upcoming series na 'Love Before Sunrise.'

Punung-puno raw ng mga dramatic confrontation scene ang upcoming series na Love Before Sunrise na pagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at multi-awarded actress and box office icon Bea Alonzo.

Dahil dito, masaya si Bea na makabalik sa genre ng teleserye na kung saan lubos siyang minahal at hinangaan ng maraming mga manonood.

"Kasi it's also about betrayal, about heartbreak, about infidelity. I'm happy to ba back doing drama," pahayag ni Bea tungkol sa Love Before Sunrise.


NARITO ANG EXCLUSIVE FIRST LOOK SA MGA KARAKTER NINA DENNIS TRILLO AT BEA ALONZO SA LOVE BEFORE SUNRISE:


Reunion project naman ito nina Dennis at Bea sa loob ng dalawang dekada.

"Masaya ako na makatrabaho siya ulit. It's an honor na makita at ma-experince 'yung professionalism at 'yung talent niya sa mga eksenang ginagawa namin," lahad ni Dennis.

"Marami na kaming baon from our past experiences, from our past trainings. Ang sarap ulit siyang makita in this environment. He's very collaborative as an actor so ang dali namin nagagawa 'yung mga eksena magkasama," paglalarawan naman ni Bea sa kanyang leading man.

Makakasama nina Dennis at Bea sa serye sina Sid Lucero at Andrea Torres.

Gusto raw ni Andrea na magpakita ng panibagong side niya sa pamamagitan ng kanyang role.

"Definitely extreme siya from Sisa (ng Maria Clara at Ibarra) na talagang laging umiiyak, almost every episode umiiyak. Ako kasi, tinuro rin naman sakin ng network ko na lagi kang magsu-surpise ng tao. Dapat hindi ka predictable," bahagi ni Andrea.

Inilarawan naman ni Sid si Bea bilang isang taong magaan katrabaho.

"It feels like I'm working with family. It feels so good. I even told her straight to her face kasi hindi ko na kaya eh--You're so light to work with," kuwento ni Sid na fresh from his win bilang 2023 FAMAS Awards Best Actor.

Ang Love Before Sunrise ay mula sa GMA Entertainment Group at ito ang pangalawang serye na bunga ng historic collaboration ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.