GMA Logo bea alonzo
Photo by: Whispers From Heaven
What's Hot

Bea Alonzo, masayang sinalubong sa pagbabalik sa 'Whispers From Heaven' set matapos ikasal

By Aimee Anoc
Published July 17, 2026 1:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tropical depression outside PAR weakens into LPA
Councilor shot dead as BARMM election period begins
'Lilet Matias: Attorney-At-Law,' mapapanood na sa GTV simula July 20

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo


Maging si Direk Zig Dulay ay nahahawa sa sayang dala ni Bea Alonzo sa set ng 'Whispers From Heaven.' Congratulations, Bea!

Masayang sinalubong ng cast at crew ng Whispers From Heaven si Bea Alonzo sa pagbabalik niya sa set matapos ikasal sa business tycoon na si Vincent Co.

Sa video na ibinahagi ng Whispers From Heaven sa 24 Oras, makikita ang all-smiles na pag-congratulate ng mga tao sa set nang dumating si Bea.

Inabutan din ni Cassy Legaspi si Bea ng bouquet, na tuwang-tuwa sa kanilang pagbati.

Sa Instagram Stories, ipinakita rin ni Cassy ang video ng kanilang pagsalubong kay Bea sa set, kung saan kitang-kita ang kanilang kilig.

Maging ang direktor ng serye na si Direk Zig Dulay ay nahahawa sa sayang dala ni Bea sa taping. Sulat niya, "Nakakahawa ang saya mo. Congrats, [Bea Alonzo]."

Samantala, nakatanggap din si Bea ng pagbati mula sa co-star na si Maricar Reyes at associate director na si Jorron Lee Monroy.

Congratulations, Bea Alonzo!

Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras sa video na ito:

Related gallery: Bea Alonzo and Vincent Co's low-key wedding wins hearts