
Natupad na sa wakas, ang nais ni Bea Alonzo na makilala sa persona ang comedy genius na Michael V.
Ayon kay Bea, noong nakaraang taon pa niya gustong makatrabaho si Bitoy pero hindi siya pinalad na makilala ito. Matatandaang isa sa unang guest appearances ni Bea matapos pumirma sa GMA Network ay ang Bubble Gang.
Source: beaalonzo/IG
Ngayon, magiging guest star si Bea sa hit weekend sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento kaya makakatrabaho na niya ang komedyante.
"Nakilala ko na sa personal si Bitoy! 🥰 When I guested on bubble gang last year, I thought I would have the privilege to do a skit with him, pero hindi pala, dahil ngayon pala ang perfect time para dun. I did a guesting on Pepito Manaloto [a 12-year-old show! wow!] at kinilig ako, dahil nakagawa na ako ng eksena with the iconic Michael V.!" sulat ni Bea sa kanyang Instagram account kalakip ang ilang litrato mula sa set.
Dagdag pa ni Bea na matagal na raw niyang hinahangaan si Bitoy.
"I remember growing up, pinanonood ko ang mga parodies nya at pagtatagalog ng western songs! 🤣 At naalala nyo ba si Yaya at Angelina? #Batang90s What's your favorite Michael V. skit?" pagatapos niya sa caption ng kanyang post.
Bukod kay Bitoy, spotted din on set sina Manilyn Reynes, John Feir at Jake Vargas.
Nakatakda si Bea na bumida sa upcoming drama series na Love Before Sunrise, kung saan makakapares niya si Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Bahagi ito ng collaboration ng GMA Network at Viu, ang leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service.
SAMANTALA, SILIPIN ANG DESIGNER OOTDS NI BEA ALONZO DITO: