
Kilala si Bea Alonzo bilang isa sa mga tinitingalang aktres sa larangan ng show business.
Ngunit para kay Bea, mayroong isang bagay siyang nais makamit sa buhay bukod sa kaniyang acting career.
Ito ay ang makapagtapos siya ng pag-aaral at makakuha ng college degree.
Sa isa sa mga pinakabagong vlog ng Start-Up Ph actress sa kaniyang YouTube channel, isa sa sinagot ni Bea ay ang tanong tungkol sa kaniyang mga plano sa buhay.
Nang tanungin siya ng kaniyang staff na, “If given a chance in the future, gusto mo pa rin bang mag-pursue ng college degree?” sumagot ang aktres, “Yes, I'm planning to, actually.”
Sa isang interview, ibinahagi ng Kapuso actress na ang hindi niya pagkakaroon ng college degree ang isa sa itinuring niyang insecurities noon.
Bukod dito, una nang inamin ng aktres ang ilan pang mga bagay tungkol sa kaniyang personal na buhay sa pamamagitan ng kaniyang vlog na pinamagatang "Bea Alonzo takes a legit lie detector test."
Panoorin dito ang latest vlog ni Bea Alonzo:
Samantala, silipin ang behind the scenes ng first drama series ni Bea Alonzo sa GMA Network sa gallery na ito: