
May pasilip si Bea Alonzo sa kanyang taping para sa upcoming Kapuso series na Whispers From Heaven.
Sa kanyang Instagram Stories noong Miyerkules (July 22), ipinakita ni Bea ang masayang behind-the-scenes photo kasama ang co-star na si Tom Rodriguez.
Makikita naman ang kakulitan ng aktor sa kanyang ngiti sa selfie nila ni Bea na kuha sa loob ng isang sasakyan.
"Taping," sulat ni Bea.
Ibinahagi rin ni Tom sa kanyang Instagram Stories ang larawan nilang ito ni Bea sa set.
Samantala, makakasama nina Bea at Tom sa Whispers From Heaven sina Maricar Reyes, Jason Abalos, Jake Macapagal, at Cassy Legaspi.
Sa serye, makikilala si Bea bilang Celestine Reyes, Chief of Staff ni Buenavista City Mayor Ivana Alabanza-Perona, na gagampanan ni Maricar.
Abangang ang Whispers From Heaven soon sa GMA.
Related content: Bea Alonzo at Maricar Reyes, magsasama sa political thriller series na
'Whispers From Heaven'