GMA Logo Bea Alonzo
What's on TV

Bea Alonzo, may natututunan ba sa kaniyang karakter sa 'Start-Up PH'?

By EJ Chua
Published October 11, 2022 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Kasalukuyang napapanood si Bea bilang si Danica “Dani” Sison, isang babaeng kahit hirap sa buhay ay nagsisikap na matupad ang pangarap ng kaniyang pumanaw na ama.

Ang Start-Up PH ay ang kauna-unahang serye ni Bea Alonzo bilang isang Kapuso. Ito rin ang unang beses na nagtambal sila ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa isang TV series.

Kasalukuyang napapanood si Bea sa naturang GMA drama series bilang si Danica “Dani” Sison, isang babaeng kahit hirap sa buhay ay nagsisikap na matupad ang pangarap ng kaniyang pumanaw na ama na si Chito (Neil Ryan Sese).

Sa solo media conference na inihanda para award-winning actress na ginanap noong October 6, sa isang Korean restaurant sa Quezon City, ibinahagi niya kung ano ang mga natututunan niya sa kaniyang karakter na si Dani.

Pahayag niya, “To never give up sa mga pangarap mo sa buhay. Kahit na maraming challenges, kahit may circumstances... hindi pabor sa'yo, talagang ipaglaban mo kung ano 'yung mga pinaniniwalaan mo at 'yung mga pangarap mo.”

Sa katatapos lang na episode na #SUPHAdmission, pinakilig ni Bea at ng co- lead star nito na si Jeric Gonzales ang Start-Up PH fans at viewers sa pamamagitan ng kanilang mga eksena sa serye bilang Team DaDa (Dani at Davidson).

Bukod kina Bea at Jeric, napapanood din bilang lead stars sina Alden Richards na gumaganap bilang Tristan at StarStruck alumna na si Yasmien Kurdi na napapanood naman bilang si Ina.

Kasama rin nila dito si Ms. Gina Alajar, ang gumaganap na lola nina Dani at Ina (Bea and Yasmien) na si Lola Joy.

Sa susunod na episodes, dapat abangan ng mga manonood kung anu-ano pa ang mga mangyayari sa karakter ni Bea bilang si Dani.

Patuloy na subaybayan ang Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.

Samantala, mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA PinoyTV.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: