GMA Logo Bea Alonzo
Celebrity Life

Bea Alonzo, naaapektuhan nga ba kapag mababa ang views ng kaniyang vlogs?

By EJ Chua
Published July 4, 2022 10:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Vlogging, kina-career ng 'Start-Up Ph' lead actress na si Bea Alonzo!

Bukod sa pagiging abala para sa kaniyang first-ever drama project sa GMA-7, pinaglalaanan din ni Bea Alonzo ang kaniyang career sa YouTube.

Dahil sa request ng ilang netizens, isang panibagong pakulo ang inihain ni Bea sa kaniyang fans, viewers, at subscribers sa kaniyang YouTube channel.

Nito lamang June 25, in-upload ng Start-Up Ph actress ang kaniyang vlog na pinamagatang “Bea Alonzo takes a legit lie detector test.” Mapapanood sa video na ito ang sagot niya sa ilang mga katanungan tungkol sa ilang aspeto ng kaniyang buhay na gusto niya ring ibahagi sa kaniyang fans.

Hinati sa ilang category ang unang episode ng lie detector challenge at sa kalagitnaan ay sinagot niya ang mga katanungan tungkol sa kaniyang vlogging career.

Isa na rito ang tanong na, “Naapektuhan ka ba kapag mababa ang views ng vlog?”

Sagot ni Bea, “Yes, oo kasi pinaghihirapan natin 'to gusto ko maraming nakakapanood.”

Kasunod nito, sinagot din ni Bea ang katanungan kung naniniwala ba siyang nakapagpo-produce siya ng quality vlogs para sa kaniyang viewers kada linggo.

Ayon sa tinaguriang actress-vlogger, “I don't know… yes.”

Bukod sa mga ito, ibinahagi rin niya sa netizens na itinuturing niya ang kaniyang sarili bilang isang workaholic woman.

Panoorin dito ang latest vlog ni Bea:

Samantala, tingnan ang sexiest photos ng tinaguriang This Generation's Movie Queen sa gallery na ito: