
Nagluto ng pagkain ang aktres na si Bea Alonzo para sa COVID-19 frontliners kahapon, April 12.
Sa kanyang Instagram post, nais sanang makapagluto ni Bea ng pagkain para sa 100 frontliners pero 98 lang ang kanyang nagawa. Sa kabila nito, positive pa rin si Bea dahil nakatulong siya sa mga tao.
Pinadala ni Bea ang kanyang nilutong pasta sa Fatima University Medical Center sa Valenzuela, East Avenue Medical Center, Philippine Heart Center, at Lung Center of the Philippines sa Quezon City.
“Happy Easter! For the first time, I tried to cook for one hundred people (but failed), I just ended up doing 98, but that's okay,” kuwento ni Bea sa caption.
“Given the circumstances, I decided not to be hard on myself because the core reason why I cooked in the first place is to give a little joy to our frontliners, and just by doing that, I already felt fulfilled.”
Kamakailan, itinatag ni Bea ang I Am Hope Foundation kasama ang kanyang mga kaibigan. Mayroon silang donation drive kung saan layon nilang matulungan ang mga ospital na kulang sa personal protective equipment at iba pang mga gamit.
IN PHOTOS: Mga celebrities na naghatid ng tulong sa frontliners