GMA Logo bea alonzo
Celebrity Life

Bea Alonzo, nais subukan ang paragliding a la Yoon Se-ri ng 'Crash Landing On You'

By Jimboy Napoles
Published October 18, 2021 2:45 PM PHT
Updated October 18, 2021 2:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo


Ayon kay Bea Alonzo, nasa relationship bucket list niya ang makapag-travel sa Switzerland kasama ang boyfriend niyang si Dominic Roque dahil na-inspire siya sa hit K-drama na 'Crash Landing On You.'

Sinagoto ni Bea Alonzo na kanyang birthday blog na "#AskBea" ang tanong ng kaniyang boyfriend na si Dominic Roque tungkol sa Top 3 sa bucket list ng aktres na gusto niyang gawin o puntahan kasama siya.

”Bucket list that I'd love to do with you is, of course, to go to Switzerland with you," kinikilig na sagot ni Bea.

"And second siguro, mag-road trip pero naka-motor naman somewhere in Europe din, sana Italy ganyan." dagdag pa niya.

Gusto raw i-peg ng aktres ang character ni Yoon Se-ri sa 2020 hit Korean series na Crash Landing On You.

"Recently kasi, ginawa niya 'yung paragliding pero sobrang, ano, parang nerve-racking. Medyo takot ako sa mga ganyan but it's in my bucket list, so I'd love to do that with you soon.

“Parang feeling ano 'ko, Se-ri, Crash Landing On You.” masayang sinabi ng aktres.

Nagpasalamat naman si Bea kay Dominic at sinabing marami pa siyang gustong gawin kasama ito.

“Hon, thank you for the question. I love you. I can't wait to be in paradise with you soon at the beach.

"Syempre, maraming-marami pang bagay 'yung gusto kong gawin with you like growing old…” natutuwang sinabi ng aktres.

Kamakailan lang ay nagbakasyon sa California ang dalawa bago nila isinapubliko ang kanilang relasyon.

Panoorin ang birthday vlog na ito ni Bea, dito:

Samantala, silipin ilang sweet moments nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa gallery na ito: