GMA Logo Bea Alonzo
Source: beaalonzo/IG
What's on TV

Bea Alonzo, nakakaramdam ng pressure para sa 'Widow's War'

By Kristian Eric Javier
Published February 2, 2024 10:06 AM PHT
Updated June 13, 2024 8:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Bea Alonzo on 'Widow's War': "I'm very excited na parang bawat character may plot na susundan ng tao, hindi lang 'yung main character.'' Read more here:

Excited na ang Kapuso actress na si Bea Alonzo para sa nalalapit na thriller-mystery series nila na Widow's War ngunit aminado ang aktres na nakakaramdam rin siya pressure mula sa dito.

“This will be a spin off of the well-loved series Royal Blood and Widow's Web so medyo nakaka-pressure kasi minahal talaga siya ng mga manonood,” pagbabahagi ni Bea sa interview niya kay Cata Tibayan sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras.

Dagdag pa ni Bea ay pinaghahandaan na niya ito sa pamamagitan ng paggawa ng character background at graph para sa role na gagampanan niya.

“I know that kami ni Carla (Abellana) will meet because 'yung characters namin are suppose to be best friends,” ani Bea.

Kwento rin ni Bea na kaabang-abang ang mga “plots within the plots” ng kanilang upcoming serye. Ayon sa aktres, “I'm very excited na parang bawat character may plot na susundan ng tao, hindi lang 'yung main character.”

TINGNAN ANG PAGKIKITA NG CAST NG 'WIDOW'S WAR' SA KANILANG STORY CON SA GALLERY NA ITO:

Samantala, ipinahatid rin ni Bea ang saya tungkol sa balitang gagawing musical play ang isa sa mga pinaka-iconic movies and roles nila ng Kapuso actor na si John Lloyd Cruz na 'One More Chance.'

“Ako, I've always been a fan of musicals, may it be dito sa Pilipinas or nagfa-fly ako sa ibang bansa to watch Broadway or West End musicals. Natutuwa ako and I'm really really curious to see how they're going to do it,” sabi niya.

Dagdag pa ni Bea, looking forward din siya sa musical play dahil gagamitin ang music ng folk-pop band na Ben&Ben dahil malaking fan siya ng banda.

Tungkol naman kay John Lloyd na isa sa mga longtime love team partner niya, ipinahayag ni Bea na sana ay mabigyan nila ng oras at pagkakataon ang isa't-isa para sa isang comeback project.