
Handa na si Bea Alonzo na muling gumawa ng teleserye matapos ang mahigit isang taong pamamahinga sa showbiz.
Sabay sa kanyang ika-25 taon sa industriya ang kanyang comeback series na Whispers From Heaven, kung saan makakasama niya sina Tom Rodriguez, Maricar Reyes, Jason Abalos, Jake Macapagal, at Cassy Legaspi.
Sa kanyang pagliban sa showbiz, ikinuwento ni Bea na mas nakapag-focus siya sa kanyang personal na buhay at sa negosyo.
"I focused on my personal life, my business. So things are great," sabi ni Bea sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras.
"It's something that I've always wanted to do also but never really found the time to do it na 'yun talagang like not wearing any other hat but that.
"So far, parang feeling ko nakapag-create na tayo ng foundation. So, I'm very happy about that and I discovered a lot of things about myself that way," dagdag niya.
Ayon kay Bea, sa 25 taon niya showbiz ay ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na matutunan ang iba pang mahahalagang bagay na magbibigay sa kanya ng saya.
"There are many things na may mga simple joys na na-miss ko kasi when you're in the public eye, parang you tend to see like 'yung mga big things lang, big gestures. Nakalimutan ko i-enjoy 'yung simple joys."
Pagbabahagi pa ni Bea, malaki ang naituro sa kanya ng boyfriend na si businessman Vincent Co.
Nang tanungin tungkol sa pag-level up ng kanilang relasyon, partikular sa engagement at pagpapakasal, ay pinili ng aktres na hindi magbigay ng detalye.
"As much as I would like to share with you pero siyempre kasi I'm also protecting someone who is not from showbiz, he has a private life, he's a private individual," nakangiting sagot ni Bea.
Abangan si Bea Alonzo sa Whispers From Heaven soon sa GMA.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA NAGANAP SA STORY CONFERENCE NG WHISPERS FROM HEAVEN SA GALLERY NA ITO: