GMA Logo bea alonzo and vincent co
Photo by: beaalonzo (IG)
What's on TV

Bea Alonzo, niligawan na noon ni Vincent Co pero hindi nauwi sa relasyon

By Aimee Anoc
Published July 16, 2026 12:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace says NBI probe into 2019 SEA Games not meant to intimidate anyone
Run UP XV set to bring runners from across ages together
BINI partners with homegrown fast food chain for special bundles with exclusive merch

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo and vincent co


Masayang pagbati ang ipinaabot ni Boy Abunda para sa bagong kasal na sina Bea Alonzo at Vincent Co.

Ipinarating ni King of Talk Boy Abunda ang kanyang pagbati para sa bagong kasal na sina Bea Alonzo at Vincent Co noong Miyerkules, July 15, sa pagsisimula ng programang Fast Talk with Boy Abunda

Ikinasal sina Bea at Vincent noong gabi ng Lunes, July 13, sa Makati City Hall, kung saan si Mayor Nancy Binay ang nag-officiate ng kanilang simple at intimate na civil wedding.

Kuwento ni Boy Abunda, nagkausap sila sa telepono ni Vincent noong Martes nang lumabas ang balitang ikinasal na sila ni Bea.

"Nasa telepono kami ni Vincent, I spoke to him, nagkausap kami ni Vincent Co. And very matter-of-fact, tinanong ko siya, 'Vincent, ikaw ba'y ikinasal na kayo ni Bea?' Sabi niya, very very matter of fact, 'Opo, Tito. Ikinasal na' sila.

"And I was very happy for him. Sabi ko, 'Vince, I'm so happy for you. I wish you both the best, at sana'y i-bless kayo ni God. And God bless you."

Related gallery: Bea Alonzo shares wedding photos with Vincent Co

Dagdag ng King of Talk, tinanong din niya si Vincent kung magta-travel ba sila ni Bea matapos ang wedding. Sagot daw ni Vincent, "Hindi, Tito. Ang daming trabaho."

Katunayan, aniya, nasa taping si Bea noong Miyerkules para sa upcoming GMA series nito na Whispers From Heaven.

Ibinahagi rin ni Boy Abunda na, ayon sa kanyang sources, matagal nang magkakilala sina Vincent at Bea.

"In fact, nanligaw na raw. This one, I have no personal knowledge. Nanligaw na raw noon pa si Vincent kay Bea, pero hindi lamang ito tumawid sa relasyon. Until faith brought them together again. And now, they are finally married.

"Kumbaga, sa hinaba-haba man po ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Or in this case, sa opisina po ni Mayor Nancy Binay.

"Congratulations, Bea and Vincent. Ako'y napakasaya. I'm very happy for both of you. Ang again, God bless you."

Related gallery: From dating rumors to marriage: Bea Alonzo and Vincent Co's relationship timeline