GMA Logo Bea Alonzo prenup rumors
Source: 24 Oras
Celebrity Life

Bea Alonzo, nilinaw na hindi pa siya nag-prenup shoot sa Japan

By Aedrianne Acar
Published January 13, 2024 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman arrested for ‘abduction’ of fellow street dweller's toddler in QC
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo prenup rumors


Award-winning TV and movie star Bea Alonzo, inilahad ang rason kung bakit nagpunta sila ng fiancé na si Dominic Roque sa Japan.

Talagang mapapa-hashtag “travel goals” ang lahat kapag nakita nila ang winter wonderland adventure ng multi-awarded actress na si Bea Alonzo, kasama ang fiancé na si Dominic Roque sa Japan.

Makikita sa mga ibinahaging photos ni Bea na nag-enjoy ito magikot-ikot sa Niseko, Otaru, at Sapporo.

Hula tuloy ng mga netizen, 'tila ginawa na nina Bea at Dom ang kanilang prenup shoot.

Pero may ginawang paglilinaw si Bea saI 24 Oras at sinabi nito na bakasyon talaga ang pakay nila ni Dominic.

Aniya, “Japan talaga 'yung favorite place namin. Dun nag-start kasi 'yung love story namin. Nung pinunta namin is to ski. So, it was memorable kasi ang dami kong falls, ang dami ko ano. But then, everyday I was getting better.”

Matatandaan na noong July 2023 nag-propose si Dom kay Bea.

MOST-AWAITED CELEBRITY WEDDINGS THIS 2024:

Samantala, inilarawan naman ng Kapuso Primetime actress na “intense” at “dark” ang upcoming soap niya na Widows' War. Dito makakasama niya sina Carla Abellana at Gabbi Garcia.

Lahad ni Bea, “It's going to be an exciting soap because it's my first time doing this genre. 'Yung 'Whodunit' genre. Medyo dark siya, normally, nalilinya ako sa romcom or drama na heavy. But first-time na medyo dark.

“Nasa edge ka ng seat mo, ganun 'yung ibibigay niyang feeling sa'yo.”