GMA Logo Bea Alonzo in Fast Talk With Boy Abunda
Source: GMA Network / andersongeraldjr (Instagram)
What's on TV

Bea Alonzo on possibility of being friends again with Gerald Anderson: 'Siguro hindi'

By Jimboy Napoles
Published January 26, 2023 5:26 PM PHT
Updated January 27, 2023 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo in Fast Talk With Boy Abunda


Sinagot ni Bea Alonzo ang matagal nang isyu tungkol sa naging hiwalayan nila ni Gerald Anderson. Bukas pa kaya siya sa pakikipagkaibigan sa kanyang ex?

Matapang na sinagot ni Bea Alonzo sa Fast Talk with Boy Abunda kung kaya niya pang maging kaibigan muli ang ex-boyfriend niya at aktor na si Gerald Anderson.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Bea at Gerald dahil sa isyu ng ghosting.

Sa panayam ni Bea sa batikang TV host na si Boy Abunda sa naturang programa, direktang tinanong ng huli kung kaya niya pang maging kaibigan ang aktor.

“Kaya mo bang makipag-kaibigan kay Gerald Anderson?,” tanong ni Boy kay Bea.

Dito ay ibinahagi ni Bea ang kanyang totoong saloobin. Aniya, “Sa ngayon, hindi ko alam kung gaano magiging kabukas o kalaki ang puso ko.

“But sa ngayon, real talk, I can never be friends with somebody I cannot trust and somebody who doesn't take responsibility for his actions. So, siguro hindi,” matapang na sagot ni Bea.

Sa ilang taon ng naging mainit na isyu ng hiwalayan ng dalawang celebrity. First time sa Fast Talk with Boy Abunda na naging bukas si Bea sa kanyang saloobin patungkol dito.

Sa kasalukuyan, parehas na masaya na ang dating magkasintahan sa bago nilang relasyon, patunay na naka-move on na nga ang dalawa. Si Bea masaya na sa piling ni Dominic Roque, at si Gerald naman kay Julia Barretto.

Para sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SEXIEST PHOTOS NI BEA ALONZO SA GALLERY NA ITO: