GMA Logo Bea Alonzo and mom Mary Anne
Celebrity Life

Bea Alonzo pranks her mom in France

By Maine Aquino
Published November 20, 2022 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo and mom Mary Anne


Panoorin ang nakakatuwang reaksyon ni Mommy Mary Anne sa prank ni Bea Alonzo sa France.

Isang prank ang inihanda ni Bea Alonzo sa kanyang Mommy Mary Anne nang sila ay bumisita sa vineyards at ilang wine producers sa Bordeaux, France.

Sa latest vlog ni Bea na kuha sa France ay nagpanggap ang Kapuso aktres na napabili siya ng wine na nagkakahalaga ng 2,000 euros o PhP 120,000.

Bea Alonzo and mother Mary Anne Ranollo

PHOTO SOURCE: YouTube: Bea Alonzo

Bea Alonzo and mother Mary Anne Ranollo

PHOTO SOURCE: YouTube: Bea Alonzo

Ayon pa sa Start-Up PH lead actress, pinaghandaan niya ito sa pamamagitan ng paggawa ng fake receipt para mas mapaniwala si Mommy Mary Anne.

Pagkakita ni Mommy Mary Anne ng resibo ay laking gulat niya sa presyo ng wine. "2,000 euro 'to Angelie!" saad niya sa kaniyang anak.

Sagot naman ni Bea ay akala niya 200 euros lang ang nabili niyang wine.

Inamin ni Bea na prank lang ito at ayon sa kanyang ina, "Na-high blood ako. Nagpa-demure pa ako kasi ang daming mga foreigner, nakita ko sa resibo 2,000 euro ibig sabihin 120,000 sa peso isang alak."

Natatawang dagdag pa ni Mommy Mary Anne, "Diyos ko baka ilampaso ko si Bea Alonzo sa mga grabang 'to."

Ayon kay Bea, ang wine na kanyang binili ay 49 euros lamang o PhP 3,000.

Panoorin ang nakakatuwang vlog na ito:

BALIKAN ANG SWEET PHOTOS NINA BEA AT MOMMY MARY ANNE: