
Nagsimula na magtrabaho bilang Kapuso si Bea Alonzo at ibinahagi nito ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita siya sa studios ng GMA.
Sa latest vlog, ipinakita ng aktres ang mainit na pagbati sa kanya sa GMA.
"What a warm welcome!" saad ng aktres sa mga taong bumati sa kanya papasok sa GMA.
Ibinahagi rin ni Bea ang kanyang unang guesting sa The Boobay and Tekla Show.
"It was very fun. Masaya kasi syempre parang lagi tayong nakakulong sa bahay. 'di ba?" pagbabahagi ng aktres.
"It's so nice to meet new people and spend time with them. But I also have to say, I have so much more respect sa mga tao na ginagawa ito like the crew, the staff, and artists," dagdag pa ng aktres.
Nagpunta rin si Bea sa GMA recording studio at ibinahagi ang recording ng kantang Love Again ni Dua Lipa.
Ayon sa aktres, "I'm very happy because I got to meet different people again in GMA and of course, I worked with my friends."
Naging opisyal na Kapuso si Bea noong July 1 matapos siyang pumirma ng kontrata sa GMA Network.
Samantala, balikan sa gallery na ito ang naging bakasyon ni Bea sa Los Angeles.