What's Hot

Bea Binene at Kris Bernal, pinapadalhan ng mensahe ng kanilang fans sa Latin America

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 24, 2019 2:42 PM PHT
Updated January 24, 2019 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong napapanuod na sa ilang Latin America countries ang mga Kapuso teleserye, inamin nila Bea Binene at Kris Bernal na pinapaldahan sila ng mga mensahe ng kanilang fans mula sa South America.

Ngayong napapanuod na sa ilang Latin America countries ang mga Kapuso teleserye, inamin nila Bea Binene at Kris Bernal na pinapaldahan sila ng mga mensahe ng kanilang fans mula sa South America.

Bea Binene at Kris Bernal
Bea Binene at Kris Bernal

Mapapanuod sa Ecuador, Uruguay at Peru ang Spanish-dubbed ng Impostora, Legally Blind, Someone to Watch Over Me, Hanggang Makita Kang Muli, at Ika-6 Utos.

Kuwento ni Kris na bida ng Impostora, “May mga nagme-messge sa akin na nasa ibang language pa na hindi ko alam kung paano ako magrereply. Gusto pa nila magpagawa ng video greeting.”

Ma-effort naman si Bea pagdating sa mga mensahe ng kanyang mga fans.

Aniya, “Nag-d-dm talaga sila tapos 'yung mga sinasabi nila Español pa kasi feeling ko baka hindi marunong mag-english.”

“Gino-google translate ko pa tapos sasagot ako, English tapos i-go-google translate ko pa gagawin kong Spanish.”

Nagbigay din ng reaksyon sina Dragon Lady stars Janine Gutierrez at Tom Rodriguez sa pagpapalabas ng kani-kanilang show sa ibang bansa.

Alamin ang buong detalye sa report na ito: