
Makiki-TBATS (The Boobay and Tekla Show) sina Bea Binene at Martin del Rosario sa ating fun-tastic duo ngayong Linggo, April 18!
Si Bea ang makakasama nina Boobay at Tekla para mang-good time sa 'Pranking in Tandem.'
Magpapanggap ang aktres na TV host sa isang horror special ng gawa-gawang talk show. Kakuntsaba rin niya rito ang isang psychic na magpapataranta sa kanilang bibiktimahing market vendors.
Samantala, si Martin naman ang maha-hot seat sa 'Truth or Charot.' Mapapanood din dito si Betong Sumaya bilang guest host ng nakakakaba at nakakatawang segment na ito. Kung mali kasi ang hula nina Boobay at Tekla sa sagot ni Martin ay kailangan nilang maglaro ng 'Dizzy Bat.'
Bibisita rin ang fun-tastic duo sa isang palengke para maglaro ng trivia game na 'The Dakma Quiz,' habang patuloy ang kanilang pang-aaliw sa studio audience sa kanilang 'Dear Boobay and Tekla' segment.
Tuluy-tuloy talaga ang laugh trip kasama ang ating fun-tastic duo! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, April 18, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!