What's Hot

Bea Binene at Sunshine Cruz, gaganap na mag-ina sa 'Kapag Nahati Ang Puso'

By Michelle Caligan
Published April 12, 2018 4:26 PM PHT
Updated May 21, 2018 3:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala cheered on by Gauff, Mboko after SEA Games run
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News



Iibig sa iisang lalaki sina Sunshine Cruz at Bea Binene sa bagong show na 'Kapag Nahati Ang Puso.'
 

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

 

Paano kung ang kaagaw mo sa pag-ibig ng lalaking mahal mo ay ang sarili mong ina?

Ito ang tatakbuhin ng upcoming Afternoon Prime series na Kapag Nahati Ang Puso, kung saan gaganap bilang mag-ina sina Bea Binene at ang nagbabalik Kapuso na si Sunshine Cruz. Ang lalaking kanilang parehong iibigin ay gagampanan ni Benjamin Alves.

IN PHOTOS: At the story conference of 'Karibal Ko Ang Aking Ina'

Makakasama nina Bea, Sunshine at Benjamin sa teleseryeng ito sina Zoren Legaspi, Bing Loyzaga at David Licauco. 

Dahil sa isang aksidente, mahihiwalay si Rose (Sunshine) sa kanyang anak na si Gabriella. Mapupunta ang sanggol sa ama nito na si Nico (Zoren) at sa asawang si Miranda (Bing). Lalaki si Gabriella bilang si Claire (Bea) at makikilala niya si Rose bilang ang fashion designer na si Rio Fonacier. Muli ring magkukrus ang landas nila ng dati niyang manliligaw na si Jacob (Benjamin), na boyfriend na ngayon ni Rose.

Abangan ang Kapag Nahati Ang Puso, malapit na sa GMA Afternoon Prime.