
Isang intense finale episode ang hinatid ng Kapag Nahati Ang Puso sa pagtatapos nito ngayong Biyernes, November 2.
Ang mga bida nitong sina Bea Binene at Sunshine Cruz, lubos na nagpasalamat sa mga sumubaybay at sumuporta sa kanilang teleserye.
Ani Sunshine, "Maraming salamat sa pagsuporta sa aming serye for 16 weeks. Finally a happy ending for Nico and Rio. Hanggang sa muli. Rio Fonacier now signing off."
Si Bea naman, sinulat sa caption ang pasasalamat sa mga co-stars na sina Sunshine, Bing Loyzaga, Benjamin Alves at David Licauco.
Aniya, "I am beyond grateful to be able to work with these gorgeous women. Hindi lang sila magaan katrabaho at mababait, sobra nila akong tinulungan sa bawat eksena. Ms. @bingloyzaga and Ms. @sunshinecruz718, I really hope that I'll be able to work with you again. Maraming maraming salamat po sa lahat and mamimiss ko kayo. Shoutout also to these two fine guys, it was a pleasure to work with the both of you. (Kahit walang nakatuluyan si Claire sa inyong dalawa. HAHAHA)"