GMA Logo bea binene and wilbert ross
What's Hot

Bea Binene at Wilbert Ross, nag-react sa 'phenomenal love team' tag

By Nherz Almo
Published October 4, 2026 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (October 4, 2026) LIVE
Asian Games close after fortnight of turmoil and teenage triumph
Is salicylic acid good for the scalp?

Article Inside Page


Showbiz News

bea binene and wilbert ross


Bea Binene, sa suportang natatanggap mula sa fans: “Inspiration siya to push even further.”

Isa ang love team nina Bea Binene at Wilbert Ross sa mga sinusubaybayan ngayon sa showbiz.

Ipinakilala ang tambalan nila noong 2025 bilang mga bida sa online series na Golden Scenery of Tomorrow. Nasundan pa ito ng isang mini-series na Love U Lots at ng local adaptation ng hit Thai horror-comedy movie na Pee Mak.

Dahil dito, nabansagan ang dalawa bilang “phenomenal love team” at nakumpara pa sa ilang pang mga love team noong mga nagdaang taon.

“Thank you po. Ano ba dapat ang reaksiyon dun?” nakangiting sabi ni Bea nang hingin ang reaksiyon nila ni Wilbert tungkol dito sa ginanap na media conference ng pelikula nila kamakailan.

Patuloy niya, “Hindi ko po siya dinidibdib. Siguro nagpapasalamat lang po ako sa oportunidad at tiwalang binibigay ng Viva for us to play and do these projects.

“Some people can say na, 'Ah they're there. They're doing something good.' Of course, malaking bagay po yung sa fans. Kasi, kung hindi nila sinusuportahan yung projects na ginagawa namin, wala po kami rito.”

Sabi pa ni Bea, nagsisilbi itong inspirasyon para sa kanya para lalo pang magpursigi sa trabaho.

“Of course, kahit ano namang projects, there's always pressure. But for me, siguro inspiration siya to push even further sa lahat ng ginagawa ko, na gagalingan pa palagi. Siyempre, maraming naniniwala at nagtitiwala. It's not a small thing, malaking challenge siya.”

Sa parte naman ni Wilbert, bagama't nagpapasalamat siya, mas mainam daw kung walang anumang pagkukumpara sa ibang love team.

“Personally po, I prefer appreciation without comparison po sana,” sabi ng aktor.

“Kasi, I'm grateful sa chance na binigay sa amin, sa projects. Of course, sa fans kasi wala naman kami dito kung hindi dahil sa init ng pagtanggap nila sa lahat ng roles na ginagampanan namin. We're just grateful lang sa mga nangyayari.”

Nabanggit din niya na bukod sa kanilang team-up ni Bea, may kanya-kanya rin silang mga proyektong pinagkakaabalahan.

“About us naman po kasi, may kanya-kanya kaming mga ginagawa. Ako, I have music. Siya, meron din po siyang business, hosting, and all. Very thankful lang po sa nangyayari sa amin,” pagtatapos ni Wilbert.

Related gallery: Unexpected Kapuso love teams that clicked