
Ano ang dahilan?
Focused na focused si Bea Binene sa kanyang karakter sa Hanggang Makita Kang Muli. Dahil sa kanyang pag-concentrate sa ginagampanang katauhan, masasabing apektado na rin ang pakikitungo niya at ng kanyang katambal na si Derrick Monasterio sa isa’t isa.
Ani Bea, hindi madali ang kanyang role kaya naman pinag-aaralan niya ng mabuti ang kuwento at script ng Kapuso series. Maituturing malaking hamon man ang kanyang pagiging feral child, malaki ang kanyang pasasalamat sa director ng palabas na walang-sawang tumututok at gumagabay sa kanya.
READ: Bea Binene, pinuri dahil sa mahusay na pagganap bilang feral child
“Kapag naman na kay Direk Laurice [Guillen] ka, talagang mape-pressure kang aralin ng maigi ‘yung script mo dahil nalalaman niya, nakikita niya kung hindi ka ba nag-aral ng script eh,” sambit ni Bea sa panayam ng 24 Oras.
Malaking panahon at atensyon ang itinutuon ni Bea sa kanyang pagganap kaya naman hindi na raw pwede ang nakasanayan nilang kulitan ni Derrick.
“Hindi po kami masyado nag-uusap, ganyan. Hindi kami masyado nagkukulitan,” paliwanag niya.
Ayon sa parehong ulat, recharged din sa pagtatrabaho ngayon si Bea dahil kababakasyon lang niya sa South Korea.
Kuwento niya, “Sa Busan palang kami nagpunta. Hindi pa kami sa Seoul mismo nagpunta pero ang saya-saya, ang lamig-lamig.”
MORE ON BEA BINENE:
Bea Binene feels honored to work with Direk Laurice Guillen
READ: Bea Binene, para raw nagwo-workout sa taping ng 'Hanggang Makita Kang Muli'
Bea Binene, nagpapasalamat sa suporta ng fans para sa Hanggang Makita Kang Muli