What's on TV

Bea Binene, gaganap bilang battered wife sa bagong episode ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published October 6, 2020 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Soberano hangs out with 'KPop Demon Hunters' singer Arden Cho
Why your fire safety plan needs financial backup
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed

Article Inside Page


Showbiz News

The Lockdown Wife on MPK


Bibigyang-buhay ni Bea Binene ang kuwento ng isang battered wife sa fresh at new episode ng '#MPK.'

Tampok si Kapuso actress Bea Binene sa fresh episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.

Sa isang natatanging pagganap, bibigyang-buhay ni Bea si Lorie, isang biktima ng domestic abuse.

Relihiyoso ang mapapangasawa niyang si Dexter, na gaganapan ng award-winning Kapuso actor Martin del Rosario.

Kaakibat ang kanilang pananampalataya, magsisimula ang kanilang buhay bilang mag-asawa.

Pero habang tumagatal, mag-iiba ang pakikitungo ni Dexter kay Lorie.

Aabot ito sa punto na madalas nang pagbuhatan ng kamay ni Dexter si Lorie. Bukod dito, ikinakandado niya sa Lorie sa bahay para hindi ito makalabas!

The Lockdown Wife on MPK


Makakatakas pa ba si Lorie mula kay Dexter?

Tunghayan ang episode na pinamagatang "The Lockdown Wife" ngayong Sabado, October 10, 8:15 pm sa '#MPK.'