
Ano ang real score sa pagitan nina Bea at Derrick?
Inusisa ni Dream Home host Kara David si Bea Binene kung ano ang namamagitan sa kanila ng kanyang Hanggang Makita Kang Muli leading man na si Derrick Monasterio.
READ: Derrick Monasterio, nais maipakita ang ‘spark’ nila ni Bea Binene
“Derrick [is] one of my best friends. Kami talaga ‘yung magkakaibigan [nina] Kristoffer, Alden [at ibang tweens]. Terms of endearment nga namin mga ‘tanga, lupong.’ [Ganun kami] mag-usap [at] magtawagan, parang sobrang friends talaga,” paglinaw ng teen star.
Sa pagpasok ng TV host sa kuwarto ng Kapuso star, kapansin-pansin ang ilang gamit na tila galing sa espesyal na tao sa buhay ni Bea ngunit iniiwasan niya itong mapag-usapan.
“Basta po ngayon ang focus ko po [ay] ‘yung career and studies,” ang kanyang naging depensa. Dagdag pa ng aktres, “I see myself studying, finishing my college, and then having a business. I [want to] have a business and I might put up a bag business.”
Hindi niya raw nakikita ang kanyang sarili sa showbiz habambuhay. “Hindi naman po talaga forever ang pag-aartisa so that’s why I want to finish my studies and have a business para kahit papaano, may fall back. After I finish my studies, siyempre gusto ko pa rin maging news anchor.”
Ibinahagi rin ng 18-year-old actress ang kanyang sikreto sa pagtatagumpay, “Dapat gawin nila ang lahat ng dapat nilang gawin 100%. Dapat buong puso at buong isip mong gawin ‘yun. Always be humble, always keep your feet on the ground, and you do it because you like it, not because someone tells you to do it.”
MORE ON BEA BINENE:
Bea Binene launches baking business
IN PHOTOS: Bea Binene goes scuba diving in Batangas