GMA Logo bea binene
What's Hot

Bea Binene on being in a love team: 'Hindi kailangan na maging kayo in real life'

By Nherz Almo
Published July 31, 2024 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

bea binene


May mabubuong team up sa pagitan nina Bea Binene at Wilbert Ross sa online series na 'Chasing in the Wild.'

Natatawang sumagot si Bea Binene ng, 'Wala naman po,' nang pabirong tanungin siya ng kanyang co-actor na si Wilbert Ross kung kumusta ang relasyon nila.

Maintrigang tinanong kasi ang dalawa ng entertainment media dahil sila ang bagong love team na mapapanood sa Chasing in the Wild, ang third installment sa online university series ng Viva One. Ito ay hango sa Wattpad novel na may parehong titulo, na isinulat ni Gwy Saludes.

Patuloy ni Bea, “Ngayon pa nga lang po kami magkakatrabaho nito. Well, sa Nokturno…”

Ipinaliwanag din ni Bea na hindi kailangan maging totohanan ang isang on-screen team up.

Aniya, “Ako po, para sa akin, basta sa isang love team naman, hindi naman necessarily kailangan na maging kayo in real life. What's important is maayos kayong nagtratrabaho, maayong yung working relationship ninyo. After all, we all have lives outside our work.”

Kasunod nito ay pinuri niya si Wilbert bilang isang co-actor, “I'm really grateful because, I think, Wilbert is such a reliable love team, na katrabaho.”

Ikinatuwa naman ito ni Wilbert. Sabi pa niya, “Friends naman kami. Nakatrabaho ko na po siya sa Nokturno, so alam na po namin ang working relationship namin. Nagkaeksena na po kami.”

Tingnan ang ilang pang unexpected team up ng Kapuso stars dito:

Samantala, bukod sa pagiging bahagi ng dating all-male group na Hashtags at singer, tumatak din si Wilbert sa mga manoood dahil sa kanyang sexy roles sa ilang Vivamax movies.

Ngayong kasama na siya sa Chasing in the Wild, ibig sabihin ba nito ay iiwan na niya ang kanyang sexy image?

Sagot niya, “One year na po na management po talaga ang nagde-decide for me to stop Vivamax and mag-focus na sa wholesome.”

Para sa binatang singer-actor, mas madali ang trabaho niya ngayon.

“Medyo kasi hindi po talaga madali to do sex scenes and parang wholesome naman ako sa tunay na buhay. Hindi po siya madali talaga. Nakakapagod po siya sa katawan, sa utak. So, sa mga wholesome na project, medyo magaan siguro in terms of the work na ginagawa,”paliwanag niya sa huli.

Narito ang ilan pang love team na tampok sa Chasing in the Wild: