Article Inside Page
Showbiz News
Walang alinlangang sinabi ni Bea na espesyal si Jake sa pagiging siya at tanggap niya nang buong-buo ang kanyang boyfriend.

Nakapanayam ng
GMANetwork.com si Bea Binene sa set visit ng
Vampire Ang Daddy Ko last January 9 at nagkuwento ang young Kapuso actress tungkol sa kanyang showbiz boyfriend, si Kapuso actor Jake Vargas.
Magkasama ang dalawa noong New Year countdown ng GMA sa Seaside Boulevard ng Mall of Asia. Ayon kay Bea, iyon ang ikalawang New Year nila na magkasama.
Walang alinlangang sinabi ni Bea na espesyal si Jake sa pagiging siya at tanggap niya nang buong-buo ang kanyang boyfriend.
Sabi pa niya, “I value his own little ways of making me happy and inspiring me each and every day.”
May couple shirt na ibinigay si Jake sa kanya at pinakakaingatan ito ng dalaga. Buong pagmamalaki rin na ikinuwento sa amin ni Bea na si Jake raw ang tipo ng lalaki na bigla na lang magsasabi ng pick-up lines at sweet words out of nowhere.
“Minsan corny siya. ‘Yong mga jokes niya corny pero nakakatawa in fairness. Hindi siya masyadong nagbibigay ng sobrang mahal na gifts pero it’s the thought that counts. Nag-e-effort siya at he makes time for you talaga.”
Sa part naman ni Bea, ito ang ginagawa niya: “Pinapakita ko sa kanya that I appreciate everything he does. Kunwari he did something special, kahit papaano gumagawa rin ako ng something special. Sinusuklian ko naman.”
Sa kalagitnaan ng aming interview, isang tawag ang natanggap ni Bea. Panandalian siya huminto para sagutin ang espesyal na tao na tumawag sa kanya, walang iba kundi si Jake.
Pagkatapos ni Jake tumawag, tinanong namin si Bea kung lagi bang ginagawa iyon ni Jake sa kanya.
“Opo. Hindi po siya ma-text eh. Lagi siyang tumatawag. Gusto niya talaga alam niya kung ano ang ginagawa ko. Alam niya kung nasaan ako. Alam niya kung sino kasama ko.”
Napabalita noon na nag-break sila ni Jake ngunit nagkabalikan din sila kaagad. “Ngayon, we’re stronger at mas kilala na namin ang isa’t isa. We know what not and what to do,” aniya.
Paano ba sila nagkabalikan? “Sinurprise niya ako noon sa birthday ko. After that may mga kasunod pang mga surprise. Na-appreciate ko ‘yon and then nag-usap kami ng maayos.”
Ngayong naging stronger ang relationship nilang dalawa, ano naman ang maipapayo niya sa bawat relationship para tumibay ito?
“Be transparent sa nararamdaman niyo pareho. Kung may something kang nararamdaman na alam mong hindi maganda, alam mong naba-bother ka. Sabihin mo sa partner mo. Sabihin mo, ‘Kasi ganito ang nararamdaman ko’. Communication is very important. Don’t lie. Ang key diyan, love, respect, communication. Trust din siyempre.”
Panoorin si Bea Binene sa
Vampire Ang Daddy Ko every Saturday after
Picture! Picture! at every Sunday sa
Sunday All Stars after
Kapuso Movie Festival, only on GMA.
Para sa updates kay Bea at sa paborito niyong shows at stars, laging bisitahin ang
www.gmanetwork.com.
-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com