
Sexy at glowing ang content creator at mommy na si Bea Borres sa kanyang "much-needed break" sa South Korea.
Sa Instagram, ibinahagi ni Bea ang ilan niyang larawan sa harap ng Gwanghwamun Gate ng Gyeongbokgung Palace sa Seoul, kung saan makikita siyang naka-yellow outfit at enjoy sa pag-pose.
Sa comments section ng kanyang post, marami ang humanga sa ganda ni Bea.
Ipinanganak ni Bea ang kanyang baby girl na si Hopea noong December 2025.
Related content: Bea Borres: ang katotohanan sa likod ng kanyang pagbubuntis