
Malaki ang panghihinayang ng vlogger at influencer na si Bea Borres nang ibahagi sa kaniyang Instagram page na nabangga ang kaniyang sasakyan na nabili lang niya last year.
RELATED CONTENT: Celebrities who got a new car this 2025
Sa isang vlog noong September 2025, ipinakita niya ang kaniyang brand-new Toyota Alphard.
Pero sa kasaamang palad sa post ng influencer sa Instagram Story kahapon, April 22, ipinakita niya mismo ang pinsala na natamo ng kaniyang van matapos itong mabangga.
Post ni Bea, “It hasn't been a year nabangga na Alphard ko.”
“Lord, what sign are you giving me? I just want to eat my sushi, organize my closet and hold my baby,” sabi pa ng first-time mom sa sumunod na post.
source: beaaborres (IG)
Noong December 2025, isinilang ni Bea Borres ang baby girl niya na si Victoria Hope.
RELATED CONTENT: Celebrities who survived terrifying car accidents and lived to tell their tales