GMA Logo Bea Borres, Herlene Budol
Photo source: beaaborres (IG), herlene_budol (IG)
Celebrity Life

Bea Borres, sinagot ang isyu sa pag-reject kay Herlene Budol bilang ninang ng kanyang anak

By Karen Juliane Crucillo
Published December 4, 2025 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG monitors nearly 125k passengers in ports on Maundy Thursday
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Borres, Herlene Budol


Bea Borres sa isyu ng pag-reject kay Herlene Budol bilang ninang: “It's not that serious and deep.”

Pinag-usapan online ang pagtanggi ng soon-to-be-mom at content creator na si Bea Borres sa Sparkle artist na si Herlene Budol na maging ninang ni Baby Pea sa vlog ni Alex Gonzaga na “Puto Bumbong Girls by Alex Gonzaga.”

Sa Facebook, sinagot ni Bea ang isyu at nilinaw na walang tensyon sa kanila ng aktres at walang ibang ibig sabihin ang kanyang naging pagtanggi.

“So what if I 'rejected' Ate Herlene as a ninang, it's not that serious and deep,” sabi ni Bea.

Hindi rin daw niya inasahan na magiging isyu ito sa netizens.

“I didn't know naman na magiging issue sa inyo hahah edi kayo mag anak!” pahayag ni Bea.

Dagdag pa niya, “But seriously, first trimester pa lang I already have a list of ninongs/ninangs. Btw, love ko si Ate Herlene ha!”

Sa vlog nina Bea, Herlene, at Alex, ipinagtanggol pa ni Herlene si Bea sa pinagdaanan nitong heartbreak at nagbigay pa ng payo bilang isang ate.

“Alam mo kahit hindi tayo close masyado, kaya kong bugbugin kung sino manloloko sa 'yo. Parang ganon 'yung feeling. Parang hindi mo deserve,” sabi ng Sparkle artist.

Inanunsyo ni Bea ang kanyang pregnancy sa kanyang YouTube channel noong August.

Ibinahagi rin niya na mas pinapangalagaan niya ngayon ang kanyang pagbubuntis dahil muntikan na siyang magkaroon ng pre-term labor dahil sa high-risk pregnancy.

Samantala, tingnan dito ang ibang celebrities na first-time moms: