
Bumisita sa studio ng Fast Talk with Boy Abunda ang isa sa most-followed Gen Z influencers sa bansa na si Bea Borres.
Dito ay pinag-usapan nila ng King of Talk na si Boy Abunda ang tungkol sa naging kontrobersyal niyang pagbubuntis na talaga namang pinag-usapan ng kanyang followers at iba pang netizens.
Ayon kay Bea, ang mga kapwa content creators na sina Alex Gonzaga at Toni Fowler, na itinuturing niyang mga ate, ang unang nakaalam tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Sagot niya sa tanong ni Tito Boy kung paano niya nalaman na siya ay buntis, “Dahil kay Ate Toni [Fowler] at Ate Alex [Gonzaga], they were there.
“Si Mommy Oni, she was giving me advice… same kami ng experience… Sabi niya, gawin mo lahat 'wag ka lang magpabuntis."
Kasunod nito, napagtanto raw ni Bea, “Sabi ko, that's funny because I'm actually one week delayed already.
“Tapos si Ate Catherine dumating. Si Ate Alex… makulit siya, e, sabi niya magpa-test na [ako]. 'Tapos biglang ayun, right on the spot,” dagdag niya.
Samantala, ini-reveal ni Bea sa interview na bago siya mabuntis ay pipirma na sana siya upang mapabilang sa artists ng GMA Sparkle.
Tingnan ang mga larawan ng anak ni Bea na si Baby Pea: